Do we need to use an inverter aircon at least 8hrs to be efficient?
No, as soon as you reach the target temperature babagal na ang compressor at mas matipid na sya. How soon is that? Can be just after several minutes or after a few hrs depende sa maraming bagay.
And this is based on facts and advise from the manufacturers themselves as seen in the screen captured chats/emails. You may ask them yourselves to confirm if you are still unconvinced after reading this lengthy post.
Main difference with how a conventional air condition and inverter AC work.
Conventional AC: Its like a sprinter. Its either running or full stop. Ganun ang conventional na aircon, its either fully on or off. Either sobrang lamig pag on or bitin ang lamig pag off. And that consumes more energy kasi kailangan laging tumakbo ng full speed uli para mabawi yung nawalang lamig nung nakaoff sya. Tapos pag sobrang lamig na, saka na naman sya magoff. This on and off cycle happens around 3x an hour depende kung anu room temp kasi nga natural na unti unti mawala uli ang lamig ng room tuwing nakaoff cycle ang compressor kahit pa nakabukas ung fan nya.
Inverter AC: Its like running in a fun run or marathon. Dirediretso lang sila tumakbo, bumabagal at bumibilis din but most of time steady pace lang minsan naglalakad pa to conserve energy dahil malayo layo pa finish line. Hindi kailangan bumuwelo mayat maya at tumakbo ng napakabilis tulad ng sprinter(or snatcher). Kaya makita nyo pag sprinter mas malaki katawan parang si Usain Bolt pero kapag long distance runner payat para tipid sila sa energy. Dahil tuloy tuloy lang takbo ng compressor kahit mabagal, mas madali mapanatili ang lamig ng kuwarto. Mas tipid sa kuryente.
So gaano nga katagal bago bumagal ang compressor ng inverter aircon para tumipid ang konsumo? That depends on a lot of things like
- Is your AC right sized for your room?
- Is there other heat source? Baka pati kusina nyo kasama sa naka AC tapos nagluluto kayo habang bukas ang AC. Tumatagos ba init ng yero sa kisame nyo?
- Is your room sealed? Wala bang lumalabas na lamig sa bintana o kaya puwang sa pintuan?
- Malinis pa ba AC nyo? Baka mahina na buga dahil barado na ng alikabok kaya ang tagal bago mapalamig yung room.
If your AC is undersized, ang kuwarto maraming singawan, may mga source ng init, or madumi na, kahit 24hrs pa yan nakabukas, hindi yan titipid kasi laging naka max or nominal lang operation AC nyo. Para syang yung nag fun run na hindi marating rating yung finish line kasi pahaba ng pahaba yung dapat nyang takbuhin bago pa sya matapos at bumagal at makapahinga.
Sabi nga ng mga manufacturers kung gusto nyo makatipid just set your temp to 23-25C para mabilis nya marating yung target temp at bumagal na agad takbo ng compressor. Thats very close to the average annual ambient temp ng Pinas (normal na temperatura ng hangin) at 26.6C, which can go down to around 25C during January up to 28C during May.
Kung baga malapit lang sa normal na lamig/init ng panahon kaya hindi mahihirapan ang compressor.
Pero ang tanong sapat na ba sa inyo yung lamig na 23-25C? Nag aircon pa kayo kung papawisan din kayo kahit nakabukas aircon or di pa rin kayo komportable. So walang mali na iset nyo nang mas malamig yung aircon, kung yun talaga ang kailangan nyong lamig para maging komportable pero syempre dapat may budget kayo magbayad ng mataas na kuryente
At mas bibilis din buhay ng AC nyo kasi nga puwersado.
At kung lahat inaasa nyo sa lamig ng aircon, at hindi nyo gawan ng paraan yung sources ng init at singawan, yun ang mali Mahihirapan ang AC nyo at bibilis masira, at tataas tlaga bill nyo.
Sa min kapag 23C papawisan na baby ko, so kailangan tlaga namin 21-22C tapos may electric fan pa. Kaysa pag 19-20C kami na hirap ang compressor tapos di pa ramdam ang paspas ng hangin. This may or may not work for you but I already did the math and experimented on it and it worked for us. Mas nakatipid pa rin kami na hindi gaanong malamig ang aircon basta may electricfan. Wala pang piso kada oras ang konsumo ng electric fan kaya huwag kayong manghinayang gamitin kasabay ng aircon.
Does using an electric fan while aircon is running not advisable?
May mga nagsasabi na huwag daw mag electric fan kasabay nang aircon dahil nahihigop ang lamig imbis na lumamig ang kuwarto. Eh ano ba dapat ang pinapalamig? Ung door knob nyo? Cabinet nyo? Ilalim ng kama nyo? Diba kaya nga kayo nag-aircon para palamigin ang mga katawan nyo? Ayaw nyo nun, nasusulit nyo lamig ng aircon nyo dahil sa inyo lang pumupunta imbis na sa kasuloksulukan ng kuwarto nyo na wala naman tao?
Last year nung mas mainit pa at di pa napapalinisan yung aircon namin, nacompute at observe ko na mga 10pesos/hr for the 1st 3hrs sya tapos saka palang babagal yung takbo ng compressor. So sakto lang sa 3hrs na siesta ng baby namin. Anymore than 3hrs na gising na sya ay waste of energy na kung patuloy ko pa rin ang aircon dahil hindi na maibabalik ang trenta pesos na nakonsumo sa nagdaang tatlong oras.
DISCLAIMER:
Baka sisihin nyo ko after a month na lalong lumaki bill nyo. The observations and techniques here may or may not be the same to you or apply to you, and you may have your own reason/technique for cooling your house but I hope that at least you make an informed decision. But the main point of this blog post is to debunk the myth of minimum 8hrs bago tumipid ang inverter.
You also don’t need to wait for a month to see if your experimentation really worked for you, do your meter reading daily, take note of what you did the same or different that day. Para pag nakita nyo na mas lalong bumibilis andar ng metro nyo, tigil nyo na agad, change technique. Para hindi kayo mabulaga sa bill nyo.